Monday, September 29, 2008

Textmates

Nakakatuwa naman talaga ang mga textmates. Nagpost kasi ako sa TV kasama ang number ko syempre para kumuha ng textmate. Gamit kong number yung 09166119853. Maraming nagtext. Grabe. Hindi ko maasikaso lahat. 200+ yata yung nagtext. Araw-araw nadadagdagan. Last Thursday ako nagpost. Iba-iba talaga ugali ng bawat tao. Lalo na mga babae. Inamin ko sa mga nagtatanong na may gf ako kaya nakakuha ko ng mga reaction na hindi ako makapaniwala. May hindi tanggap, may tanggap kasi friends lang naman sa text, may tanggap kasi mahal na daw ako agad. Nakakatuwa. Tungkol naman sa age, walang problema pero mas gusto ko yung mas matanda sakin. 21 ako ngayon at sawa na sa mga bata hehe. May mga nakatext din ako na may bf na. Ok lang sakin kasi hindi naman ako nakipagtext para magkaroon ng kabit. May mga gusto ring makipagsex. Amp.

Nakipagtext na rin ako dati nung high school ako sa kasagsagan ng drama ng buhay ko. Nakuha ko pa talagang makipagtext. Bakasyon naman yun nung pasko 2002. Naalala ko lang yung isang babae na nakita yung number ko sa TV kasi nagpost din ako noon. Tinuruan ako ng classmate ko. Channel 11 pa yata yun yung ZOE pa? Ok. Marami din akong nakatext. Hindi ko na sila katext ngayon. Mahirap ding magtext kasi wala pang unlimited text. Yung babaeng yun ay hindi ko na maalala ang pangalan. Malapit sa Lucy kaya yun na lang ang itawag natin sa kanya. Isa itong matinding lihim sa buhay ko na wala namang epekto sa buhay ko. May ma-ishare lang hehe.

Si Lucy ay isang babaeng mas matanda yata sakin ng dalawang taon. Nagbakasyon sya sa Pilipinas dahil nga Pasko. Hindi ko rin alam kung saang bansa talaga siya nakatira. Europe country yun sa pagkakaalam ko. Pwede ring Australia. Malala na memory gap ko. Kung Europe, siguro Italy. Hindi pa ko nagtatanghalian ngayon. Gutom na ko. Naumpisahan ko na kaya ituloy na. Nalulungkot daw siya. May childhood sweetheart kasi sya sa bansa nila. Actually English yung text nya eh. Kaya reply ko, English din reply ko kaya matagal ako magreply para mag-isip ng tamang word. Inlove sya dun pero iba ang gusto nung lalaki. Another typical love story. Ano gusto gawin ni Lucy? Gusto niyang kalimutan yung lalaki.

Isa munang patalastas. Naniniwala ako sa lahat ng sinasabi nya kasi mahirap magpanggap mag-english sa text. Hindi rin pwedeng nagtitrip lang sya na nag-aaral sa UP, Ateneo o La Salle kaya magaling mag-english. Sino ba naman sa estudyante ng school na yun ang magtatyagang humanap ng katext sa TV?

Gusto nyang matutunan akong mahalin. Wow. Sana daw mahalin ko din sya. Wow again. Natuwa ako. Nagkwento sya tungkol sa sad part ng buhay nya. Tsaka ang masakit, malapit na silang umuwi sa kanilang bansa. Gusto nya daw pumunta samin. Sabi ko ako na lang ang punta sa kanila (kahit wala akong pamasahe) kasi malapit lang naman: Las PiƱas. Pero gusto nya talagang pumunta samin kaya binigay ko binigay ko yung paraan ng pagpunta samin.

Dami sponsors. Patalastas ulit. Hindi ko alam kung naawa ako sa kanya pero sa mga text nya. Nainlove ako. Hindi ko alam kung bakit. Wala naman syang ginagawa. Hindi naman nya ko napilit. Dumating na lang bigla.

Naubos ang load ko at wala na akong pangload. Nagtext sya ng nagtext pero wala akong magawa. Nababasa ko yung mga text nya, gusto ko may gawin ako. Saan ako kukuha ng pangload nung panahon na yun? Umuwi na sila sa kanila. Iniwan na rin nya siguro yung alaala na may nakatext syang hindi nagreply dahil nawalan ng load.

Madrama ba ko?

Siguro. Sana makilala ko sya ngayon personally.

No comments: