Common na sa blogs ang first post. May post na pang-introduce sa blog, o kaya wala lang tulad nito, joke. Ginawa ko lang naman ito para may alam kayo sa mga kasalukuyang nangyayari sa mga ex-girlfriends or ex-loves ko na kahit ako di ko alam ang tunay na nangyayari sa kanila. sa tingin niyo naman wala talaga akong alam. Halos lahat naman sa kanila may access sa internet and mobile phones so kahit papaano may latest update ako. Kaya nga random updater eh.
Uhmm, masanay na kayo kapag nagpost ako ng update tapos kadalasan three lines lang tapos may heading at closing. Basta parang ganito iyon:
***bakit kaya?***
buntis siguro
di pa rin makamove-on
panakip butas lang iyon
***ako din di ko alam***
Three lines kasi tatlo yung mahal ko dati noong high school. Although five years and almost five months na akong graduate from that era, memorable pa rin ang mga pangyayari noon.
Siguro magpo-post din ako ng minsan tungkol sakin.
Kasi..
May girlfriend ako ngayon. Mahal na mahal ko siya. Mahal niya ko. Maraming nagbago sa akin. Maraming plano.
Hindi ko pwedeng i-reveal ang pagkatao ko dito kasi away/gulo ang resulta. Hindi rin ako magbubunyag ng names ng girls. Magbabanggit naman ako minsan ng mga lugar or pangyayari na baka sakaling malaman niyo kung sino ko at sino sila.
Para naman dun sa tatlong bida, magbibigay ako ng konting clues tungkol sa kanila. (Laging ganyang arrangement din kada post ko)
Una - Chinita. Maganda. Attractive ang posture. Suplada ang dating. Kasal na.
Ikalawa - Iba kulay ng mata. Dalawa dimples sa kaliwang pisngi. Cute. Limang taon na sila ng boyfriend niya.
Ikatlo - Morena. May dimples din. (Oops sumobra ko sa clue)
Yan na yun. Alam niyo na.
Monday, September 1, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment