Una sa lahat, nagtataka lang ako kung sino yung nagsend sakin ng 25 pesos na load noong tuesday, sept 23. Salamat pero sana magpakilala ka. Nagsend sya dun sa 09166119853 (na ngayon sikat na dahil napost sa TV5. Sa AHM na pinapalabas tuwing 1pm-2pm weekdays. Di ko alam yung schedule sa umaga. Ok ok. Yun lang ang intro.
Tulad sa MMK o Maalaala mo kaya sa channel 2, bibigyan natin ng title ang mga naging babae ko hehe. Pero screen name lang nila yun dito. Wag na nating patagalin, umpisahan na!!
Girl number 1. Itago na lang natin sya sa nickname na "picture frame". Oo dahil sya ang unang babae na niregaluhan ko. Picture frame na worth 220 pesos. Hindi naman mahalaga yung presyo pero post na rin. Binigay ko sa kanya yun nung bigayan ng card. 3rd year high school report card. Meaning papunta na kami sa 4th year. Naging crush ko sya nung 3rd year. Classmate kami for 4 years. Mabilis ako magkwento noh? Idol nya si Leila Barros nung sikat pa. Favorite nya rin si Kobe na hate ko naman. Meron akong "I hate Kobe" shirt. Sumali din sya sa Miss United Nations at talo sya. Miss Brazil. Dahil torpe ako, nahihiya ako lumapit sa kanya. Parang wala tuloy siyang pakialam sakin hehe. Kaya natuon ang pansin ko sa iba. Naging magtextmates at dahil sa pagtetext kaya kami nagkakausap. Sabay kami pumunta sa isang practice sa isang cheering. Wala lang. Isinayaw ko sya buong gabi sa JS Prom. Pero over-acting yun noh. Nagsayaw din kami ng iba. Masaya yung gabi. Masaya ako. Sya rin yata. Naging close na kami...lalo sa text. Minsan nagpunta ko sa Investigatory project nila pero hindi ko sya kagrupo. May gagawin kami ng mga kagrupo ko pero pasaway ako kaya hindi sumama. Talo tuloy kami at sila may place. Nung nagpapanic na sya dahil hindi maihanda yung lalagyan ng product nila, malapit na siyang umiyak pero nakuha ko pang magpatawa. Akala ko magagalit sya sakin pero ngumiti na sya. Nagsulatan pa kami ng mahabang letter. Natuwa ako dun. Niregaluhan ko pa sya nung birthday nya. Masaya yung return letter nya. Sa mga nakakaalam na kung sino ako at sino sya at kung sino pa yung ikukwento ko, hindi ko na kinuwento lahat kasi matagal na rin yun. Marami na ring nangyari sa utak ko kaya hindi ko ma-recall lahat. Isang araw, nag-usap kami. Kung pwedeng maging kami. Pero hindi kami naging kami nung araw na iyon. Nagpaalam muna sya sa strict parents "daw" nya. After a week, naging kami. Masaya. Masaya. Masaya. Naging kami pero kami lang ang nakakaalam. How sad? Masaya rin naman pero hindi kami umabot ng one month. Pasaway kasi ako. Di ba friends? Naghiwalay kami. Hindi na sya nagtetext tulad ng dati. Graduate na kami. Magkaiba na ng section. Magkaiba na ng school. AT magkaiba na rin ng friends. Mahusay. Nagpanggap akong isang textmate na basketball player from Ateneo (nakalimutan ko na yung name) pero naalala pa nya nung minsang magkatext kami. Ayos. Tinext nya ko dahil sikat daw ako. Nabuko nya rin ako nung magreply ako sa kanya gamit yung number nung basketbolista daw hehe. Binigyan ko sya ulit ng picture frame pero sinauli. Kinuha lang yung sulat. Astig. Simula nun magulo na buhay ko. Walang direksyon. Meron na ba ngayon? Hehe. Marami nang nangyari. Kasal na sya ngayon pero may baby na sil kaya sya nagpakasal. My reaction? Happy naman sya eh. Ok na yun. How sure ako kung happy nga ba? Ramdam ko.
Girl number 2. Itago na lang natin sya sa nickname na "eyeglasses". Paano kami nagkakilala? Pinatanong ko yung name nya sa close friend ko. Kapangalan nya yung dati kong crush. Inalam lahat tungkol sa kanya. Pati Cellphone number. Naging magtextmates kahit wala pa kaming phone. Kapag gusto may paraan, kapag ayaw may dahilan. Marami akong cute na nalaman sa kanya. Mas mahal ko pa nga yata sya kay picture frame. Bakit nga pala eyeglasses? Kasi nakasalamin sya nung nagkakilala kami pero nung kalaunan wala na syang salamin dahil nahulog daw sa baha. Ako naman ang nagkaroon pero later na nung college. 4th year high school nga pala kami nung nagkakilala. Isang araw, naisipan kong tawagan sya pero hindi gamit yung cellphone ng ate ko, gamit ko ang aming landline at tatawagan ko yung number ng Mama nya na gamit nya pangtext sakin. Yung Mama nya ay teacher sa school namin. Oo torpe ako pero makapal ang mukha hehe. Nagtagal din yung tawagan na yun. Masaya. Binili na ko ng Papa ko ng cellphone. Masaya na naman. Kinabukasan, nalaman na 16000 yung bill namin sa telepono. Wahaha ganda ng timing. Nakaktuwa naman pero away-bati kami. Biglang naiba usapan hehe. Unang away namin yung panahon ng cheering. Kasi binigyan ko si picture frame ng textmate, si eyeglasses ang binigay ko. Nagpanggap si picture frame na lalaki. Eh alam ko yung kalokohan ni picture frame. Nagalit sakin si eyeglasses kasi ang tingin nya setup ko yun sa kanya. Sa totoo lang hindi. Kung nababasa naman nya toh. Busy ako nung panahon na katext ko si picture frame. Sobrang kulit kaya kung ano-ano na tinext ko sa kanya. Kung bakit number nya binigay ko, wala na kasi akong ibang maibigay na masipag magtext, si eyeglasses lang. Pareho naman silang girl. Pero big deal pala kay eyeglasses yung pagpapanggap ni picture frame na lalaki. Sorry ako ng sorry nun pero wa epek. Pinagsisihan ko naman yung ginawa ko eh. Hindi nakinig si eyeglasses sa explanation ko. Section nila eyeglasses ang nagchampion at runner-up lang kami. Isang Sabado ng umaga, tinext ko si eyeglasses na parang walang nangyari. Nagreply sya. Kalimutan na daw ang nangyari. Nagkagalit ulit kami. Dahil nga hopeless na ko kasi hindi pa daw sya handang magka-bf, nag-drama ako kunwari. Ang mali ko naman, nagpanggap ako na may isang babae na nagsabi sakin na sagabal sya sa friendship namin ni eyeglasses. Sa totoo lang wala naman talaga. Nag-imbento pa ko ng name. Pero si number 3 yung binigay ko na name. Total disaster yun. Gumasta pa ko ng 600 load sa loob ng dalawang araw para lang makausap sya. End of sto...ay hindi pa pala. Pinagupitan nya yung dating mahabang buhok nya, doon ko sya nagustuhan. Inalis na din nya yung eyeglasses nya, doon ko din sya nagustuhan. Sad ako. Pero kailangan kong pagbayaran yung mali kong ginawa. Nagpakasaya ko sa ibang bagay. Pero hindi pala yun sapat. Tinext ko sya gamit yung bago kong number. Nagreply sya syempre. Two months din yun. Nagkabati naman kami pero hindi naging close tulad ng dati. Wala ng spark parang ganun. Nagkagalit na naman kami. Kasi yung friends ni eyeglasses ay nagpaparining sa friends ni picture frame. Nagsumbong si eyeglasses sakin. Kumuha ko ng impormasyon sa dalawa na parang private detective. napag-alaman ko na friends ni eyeglasses ang nagpasimula ng lahat. Nung parang nagets na ni eyeglasses na friends nya talaga yung tinutukoy ko, nagalit na naman. Ang alam ko hindi sya sakin galit kung hindi kay picture frame. Pinag-usap ko sila. Nasa gilid lang ako pero hindi ako nakikinig. Sana pala nakinig ako hehe. Ok na sila. Pero %$@#^ galit naman si eyeglasses sakin! Challenging pero personal ko na syang kinausap at pinaghandaan ko yung mabuti.yung mga sasabihin ko. Sensitive kasi eh. Ok na kami ulit. Hinatid ko pa sya sa bahay nila. Sobrang saya kapag nagtext sayo yung hinatid mo sa bahay nila ng: "Ingat sa pag-uwi. Thanks sa paghatid mo sakin." Yun ang pinakamasayang moment ng buhay ko sa totoo lang. Dahil malapit na ang Valentines Day, inaya ko syang makipagdate. Wow. Nagpahiwatig sya na samahan ko lang sya sa buong araw na yun eh ok na. (Hindi nga pwede kasi kailangan ko ding samahan kahit sandali yung dalawa [1 at 3] [babaero nga naman]). Perfect day for me na nga eh. Nabigay ko na yung gift ko kay eyeglasses at #3 pero hindi pa rin kay picture frame. Nanood kami sa loob ng marriage booth ni eyeglasses. Yung mga friends ko, pinagtripan ako. Pinosasan ako kay (hala muntik ko nang matype yung tunay na name) eyeglasses. ikinasal kami. Masaya. Gusto ko sa lips yung halik para libre. Ayaw nya. World War 3. This time wala na talagang pag-asang makipagbati. End of story. Tunay na. Ano? Hindi pa? Ok. Isang buong araw ng linggo tinawagan ko sya pero ayaw nya sagutin. Wala na nga akong pera pagpunta sa kanila kasi naubos na sa mga regalo. Bahagya ko ng tinuon ang buong pansin ko kay picture frame. Tinext ko si eyeglasses isang araw. Nagreply sya. Nasaktan daw sya kasi narinig nya pala yung sinabi ko na: "sino yun?" Sagot ko sa friend ko kung gusto ko maging ninong ako ni eyeglasses. Sinabi ko lang naman yun kasi alam ko wala na pati yung friendship namin. Meron pa pala. Pero ordinary friends na lang. Sinulatan ko sya. Sinulatan nya rin ako. Yung reply nya, kami na ni picture frame. Nakakaiyak yung sulat. Gusto kong balikan si eyeglasses pero hindi ko magawa kasi ok na ko nun eh. Mahal ko pa rin sya. Mas mahal ko kesa kay picture frame. Inamin ni eyeglasses sa sulat na mahal nya ko matagal na pero hanggang dun na lang yun. Kunwari hindi ko alam na nabasa ko yung part na "hanggang dun na lang yun". "Sinabi ko toh sayo para alam mo na may "eyeglasses" na nagmahal sayo." Saddest part of my life. Nakatago pa rin yung sulat nya na yun na kaisa-isa galing sa kanya. Nag-iisang remembrance. Nabasa na rin yun ng gf ko ngayon. Nung nagkahiwalay kami ni picture frame, punta ko ng bahay ni eyeglasses. Alam ko may iba ng nanliligaw sa kanya pero nandun lang naman ako para sa friendship. Oras pa lang nung magkahiwalay kami ni picture frame kaya ayaw ko ng ganun (hehe). Pumunta ulit ako nung week before 1st day of college ko sa bahay nila. Masarap yung pansit na luto ni Ma'am at Mommy hehe. Birthday pala ng kapatid nya. Pumunta din ako nung month after nung break-up namin ni picture frame. Puro Dao Mingzu nandun sa TV hehe. At least hindi na kami nag-aaway pero nung naging sila nung bf nya hanggang ngayon, hindi na sya nagtetext o hindi na yata ko kilala. Basta masaya ang memories ko sa kanya. Sulit ang oras. Marami akong natutunan. Kahit hindi naging kami. Masaya ako sa kanya kasi alam ko mas mature pa sya sakin sa ngayon. Yun lang naman ang pangarap ko sa kanya para wala ng away-bati.
Girl number 3. Oo maikli na lang siguro toh. Pero hindi yung friendship namin. Itago na lang natin sya sa nickname na "teddy bear". Ok na sana yung dimples pero hindi sya isang thing. Dimples din yung gusto nyang itawag ko sa kanya nung unang araw na magtext kami. Ako? Isang name na hind masyadong sikat pero second name ko yun. Isipin mo na lang yung painter. Pablo? Nagkacrush ako sa kanya nung makita ko sya sa bulletin board ng english. Best in Oration yung award nya kaya nakapost dun. Hindi ko alam yung name. No idea. Buti na lang mag-isa syang naglalakad sa malapit sa stoplight. Nakita ko yung name nya sa nameplate. Pretty name parang sya. Inalam ko ngayon yung number nya sa katext ko na classmate nya. Wauw cute nung number hehe. Minsan lang kami magtext. Busy sya sa studies. Malapit na birthday nya. Walang "eyeglasses", katatapos lang ng isang contest sa school na pinaghirapan. Champion din yung section nila teddy bear sa contest na yun. Magkahiwalay yung category namin eh. Champion din kami. Sya ang lider nun. Wow. Kasama ang aking close friend, bumili ako ng isang teddy bear. Name ng bear ay Graziella. Kapag ginawa kong label yung graziella sa post ko na toh, katapusan ko na. Baby namin yun hehe. Pumayag sya. Ubos ang pera. Naghanap ng bahay. Wala sa bahay, nasa ibang bayan. Kinabukasan, nag-thank you. Yun lang. Ok na yun basta naappreciate. Minsanang text pero parang sabik na sabik akong itext sya. Nagtapat na mahal ko sya. Walang nasabi. Sinulatan ko, wala ding reply. Tapos malalaman ko na lang na sinusuntok nya yung friend ko kasi nakikita nya na kasama ko si picture frame. Ang labo eh. Pero hanggang ngayon, friends kami. Nagkikita pa kami sa U-belt minsan. Gulat ako kasi fully-grown up na sya. Inayang makipagdate sa Valentines. Sabi nya sunduin ko sya sa school. Clue: Parehong member ng UAAP school namin. Ang dali. Masayang kwentuhan sa jeep mula alam-mo-na hanggang alam-mo-na-rin. Cute. Isang flower lang ang bigay ko sa kanya. May isang bouquet syang dala sa pagdating ko. Kainis. Pahiya ako. Isa kasi "Only One". Only one sa panahon na yun. Nagkasalubong pa kami minsan kasama ng gf ko at Mama ko sa lugar kung saan ko nakita yung name nya dati. Mahal ko pa rin sya pero bilang friend na lang.
Kung gaano katagal na si eyeglasses at bf nya, ganung katagal na rin akong binabalewala ni eyeglasses.
Kung magkakahiwalay man kami ng gf ko, kay teddy bear ako babalik kahit na may bf sya ngayon.
Hindi na kasali si picture frame sa Big Three...
...Kaya Dynamic Duo na lang.
Thursday, September 25, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment