Friday, September 19, 2008

Mga Dating SIM Cards

You read it right. Nag-ayos kasi ako ng kwarto ko kahapon after four months siguro. Ang dumi! Ang gusto ko lang naman eh maghalungkat ng sandamakmak na sim na naitago ko. Karamihan kasi naiwala ko na. Yung iba nanakwa na yata. Ewan. Basta Naalala ko pa yung silbi nung mga sim cards ko. Post ko na lang yung mga number. Tutal hindi na active karamihan dun. May isang active lang dahil gusto ko maglaro ng pokemon sa N73 ko kaya yun ang nilagay kong sim. Ung postpaid sim ko nasa dating phone na 3200. Syempre sinusugal ko din identity ko dito sa mga number na toh. Madaling mahulaan kung sino ako hehe. Minsan iaactive ko din ung isang number para makatanggap ng tawag mula sa mga kumpanya. Explain ko mamaya kung bakit.

1. 09165140031 - hindi na active. Una kong number sa una kong cellphone. Maikli lang ang buhay nito. Four months lang dahil nawala.

2. 0917***2654 - active pa ito pero hindi ito sakin. Gusto ko lang makatext yung #2 kaya niloadan ko yung phone ng ate ko at para magamit ko. Wala pa akong phone nito pero eto yung gamit kong number para makatext sina #1 at #2.

3. 09202986372 - wala pa namang unli nung mga panahon na iyon pero gusto ko dalawang sim kaya bumili ko ng smart. Dito ko tinext yung mga friends ko na smart. Madali lang magkaroon ng dalawang sim sa isang phone ng mga panahon na ito. Madaling magswitch. Walang hustle. Nagload din ako ng dalawang 300 load sa dalwang magkasunod na araw. Nagmakaawa kasi. Wala namang napala. Nawala na rin tong sim na toh. Di ko alam kung bakit.

4. 09167000130 - amp0ta kilala na ko. Madaling kabisaduhin. Paborito kong numero. Astig. Dito ko nakatext yung tatlo. Kahit smart lahat sila haha. Buhay pa rin naman yung #3 na sim nung panahon nitong number na toh pero ito gusto kong gamitin para makipagbati kay #2. Mahaba buhay nito. Hanggang college. 2004. Kasi nung bumili ako ng bagong phone nung 2004, may mas magandang sim. Para na rin sa bagong buhay. Actually nastock lang sa kwarto ng Mama ko tong sim na toh hanggang 2006 para lang manakaw ng isang bata na pinagkatiwalaan namin. Pati tsinelas na binili namin ng gf ko kinuha amp0ta.

5. 09182175685 - dahil yata nawala yung smart na #3 kaya ko bumili nito. Minsan lang loadan kasi nanjan pa yung #4. Tsaka busy ako mag-online games.

6. 09262040274 - ginamit ko lang tong number na toh para lokohin si #1. TM kaya walang masyadong katext. Nakakatuwa. Kung di pa ko nagpanggap na basketball player from ateneo, di pa magrereply.

7. 09207924350 - talk n text. Pinatulan lahat ng networks. Nakakainis kasi pinamigay ko lang sya sa isang nagpapanggap na kaibigan.

8. 09225455275 - maganda ang numero. Actually nasakin pa yung sim pero di na active. Minsan lang talaga mag-sun. Actually yung 4 to 8 na numbers eh limang sim card na magkakaiba. Eto yung pangtext ko sa HS friends ko na halos lahat nakasun. Pero hindi nagtagal kasi main number ko talaga yung #4.

9. 09279749399 - eto yung numero ng bago kong phone dati na 3200. Pangtext sa college friends. Nawala na tuloy yung ibang contacts ko dun sa #4. Pero matagal ko rin tong ginamit para sa main sim ko. Pinahiram ko toh kay gf pero di na ibinalik. Ok lang. Huli pa nga ako kasi yung password ko sa Share-a-load pangalan ng babae hehe.

10. unknown - pinahiram ako ni ex-bestfriend (di ko pa napapakilala) kasi para makatext nya ko. Kasi para masulit ung unli. Oo na bagong labas ng unli nun ng smart. Nagtagal yun ng two weeks lang. Mas matagal pa sa naging relationship namin.

11. 09216848017 - binili ko nung college sa Recto. Pinili ko pa talaga yung number para magtapos sa 17 yung huli. marami akong katext na smart dito. Dahil sa unli talaga. Ung globe, sa globe, ung smart, sa smart.nagswap kami ng gf ko ng sim nung kami na para sa purpose nya na alam na nating lahat. Buti wala syang nahuli. Behave naman talaga ko. :) Nawala toh kasabay nung nawala yung cellphone nya papuntang Cubao.

12. 09196460571 - eto yung number nya na pinalit sakin. Chain reaction. Smart kaya masaya. Konti na lang katext ko dito. Eto yung number na ginamit ko para ilagay sa yearbook at records ng school. Hindi pwede mawala tong number na toh di ba? Eto rin yung gamit kong number nung nag-apply ako nung una.

13. 09223901371 - sun na naman. Dahil naasign gf ko sa Subic at minsan umuwi sya sa Bicol ng matagal, kelangan ng usap. Hindi toh nagtagal dahil nung binigay ko sa kanya, nawala nya.

14. 09063630919 - Hindi ko talaga alam kung anong silbi ng number na toh. Pwedeng eto ung sim na kasama sa phone na binili ni ate. May sim na kasi sya (ung #2) eh ayaw nya magpalit kaya binuksan ko yata. Nawawala na yata toh o binigay ko ulit kay gf hehe.

15. 09166119853 - si gf may topak. Gusto naman ngayon ng globe. Yun na ngang #12 ang number ko na matino eh. Pero pumayag ako kasi magkasunod number namin at libre naman. :) Actually gamit ko pa sya ngayon para sa N73 para lang maglaro ng pokemon. Kasi pag yung main number ko ang nilagay ko sa N73, istorbo sa paglalaro. Walang load. Baka gusto mo loadan. Hehe.

16. 0917postpaid - hehe syempre hindi ko sasabihin yung number dito pero sa friendster nasa shoutout at profile. Oo postpaid na sa wakas. Pangarap ko yan para hindi na labas ng labas para magload. Isang bayaran na lang. Walang hustle. Umusok naman sa tax. Pwede ko magpasaload kahit kelan. Beh. Syempre ako magbabayad hanggang October! Pagkatapos nun ewan. Wala pa ko work at pera para may pambayad dun hehe.

Kung ibang tao na yang ibang number dyan, wag nyo ko sisihin. Nagpost lang ako. =p

No comments: